Ni: Keith Anthony Linan
Nakiisa ang Capiz State University-Mambusao Satellite College sa taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto 2021 na may temang “Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”
Pinangunahan ng mga kasapi ng Kapisanan ng mga Kabataang maka-Filipino (KKP) ang nasabing pagdiriwang sa pamumuno ng kanilang pangulo na si G. Rj Lou Felasol at gurong tagapayo na si Gng. Shiela L. Martinez.
Sa kabila ng pandemya, maayos pa ring naitaguyod ang nasabing pagdiriwang. Nagkaroon ng birtwal na presentasyon mula sa webinar ng Komisyon sa Wikang Filipino na kung saan tinalakay ang pinagmulan ng Wikang Filipino at ang kahalagahan ng pagdiriwang nito.
Nagkaroon din ng mga patimpalak onlayn, tulad ng masining na pagkukwento, pagtula o spoken poetry, pagsulat ng sanaysay, paggawa ng poster, paggawa ng karton, Tiktok, at pag-awit na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa iba’t ibang departamento ng English Language, Computer Science, Office Administration at Food Technology.
Ayon kay G. Felasol, “kailangan nating ipagdiwang ang Buwan ng Wika upang malaman ng mga kabataan ang papel at kahalagahan nito sa ating pang araw-araw na buhay at bilang simbolo ng ating pagkakakilanlan.”
“Dahil pandemya ay naisipan na lamang namin na magsagawa ng mga patimpalak upang ang mga mag-aaral ay makibahagi at ibahagi ang kanilang mga kaalaman at talento na may kaugnayan sa wikang Filipino upang mapayabong pa ito, at upang maengganyo rin ang iba pang mga mag-aaral na pamarisan ang kanilang ginagawa,” dagdag pa niya.
Narito ang resulta ng mga patimpalak:
Masining na pagkukwento: Ikalimang pwesto- Elcha Mae Villacapa, Ikaapat na pwesto- Rena May Compuesto, Ikatlong pwesto- Mae Anne Alipusan, Ikalawang pwesto- Sharlene Mhay Velado, at Unang pwesto- Renabeth Legaspi.
Pagtula o Spoken Poetry: Ikaanim na pwesto- Elcha Mae Villacapa, Ikalimang pwesto- Jomarie Sarandona, Ikaapat na pwesto- Mae Anne Alipusan, Ikatlong pwesto- Carla Jane Velado , Ikalawang pwesto- Teodelyn Gomez , at Unang pwesto- Ivy Bautista.
Pagsulat ng Sanaysay: Ikaapat na pwesto- Teodelyn Gomez, Ikatlong pwesto- Nikki Lopez, Ikalawang pwesto- Joey Luces, at Unang pwesto- Ivy Bautista.
Paggawa ng Poster: Ikatlong pwesto- Carla Jane Velado at April Joy Palma, Ikalawang pwesto- Mary Rose Lojero, at Unang pwesto- Sharlene Mhay Velado.
Paggawa ng Karton: Ikalimang pwesto- Deborah Jane Tinagan, Ikaapat na pwesto- Eden Sebanes, Ikatlong pwesto- Carla Jane Velado, Ikalawang pwesto- Ivy Vadillo, at Unang pwesto- Ivy Bautista.
Tiktok (Panlalaking Bersyon): Ikaapat na pwesto- Angelo Alayon, Ikatlong pwesto- Irone Andalecio, Ikalawang pwesto- Leonel Bolido, at Unang pwesto- Nikki Lopez.
Tiktok (Pambabaeng Bersyon): Ikatlong pwesto- Jay Ann Leal, Ikalawang pwesto- Mercy Llagas at Unang pwesto- Ira Coldovero.
Ang bawat entry ng mga kalahok ay pinost onlayn sa Facebook Page ng Kapisanan ng mga Kabataang maka-Filipino (KKP).